Wednesday, September 24, 2014

FIlipino:Wika ng Pagkakaisa

              Sa mahigit pitong libo, isandaan at pitong pulo  ng bansang Pilipinas, isang dambuhalang tulay ang nag-uugnay sa bawat taong naninirahan dito.
             Ang bansang Pilipinas, di maikakaila'y napakayamang bansa. Sagana sa likas na yaman at mga pook na pinakadayo-dayo ng mga turista mula sa iba't-ibang lupain ng mundo. mula Luzon hanggang Mindanao,siksik din tayo sa ibat-ibang dayalekto at wika maging tradisyon at kultura na nagbibigay ng mas malaparaisong Pilipinas sa atin.
Sa kabila nito, may mga pagkakataong hindi natin naiiwasang magkaroon ng alitan o bangayan sa isa't-isa, Isang dahilan ang ppagkakaiba natin ng dayalektong ginagamit kung kayat hindi na tayo magkaintindihan pa ng ating kinakausap. Nagbunsod ito sa isang awayan. Ito ang dahilan kung bakit may wikang Filipino. Kinikilala natin ang wikang Filipino bilang ang ating pambansang wika. Ang salitang namumutawi sa bawat mamamayang Pilipino. Ito ang nagsisilbing tulay uupang ang bawat mamamayan ng Pilipinas ay magkaintindihan at masira ang konkretong pagitan sa bawat kultural na pangkat. Sa pamamagitan ng wikang ito, nagiging mas kaaya-aya pa ang ating bansa. Nabibigyan nito ng kaayusan ng bansa. Wala ng mga tao ang magbabangayan dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan. 
         Halimbawa nito ay ang pangangampanya sa Vigan upang ito ay iboto sa New 7 Wonder Cities of the World. Kung ang ginamit na pahayag ay nasa dayalektong Iluko, ang kapwa natin mga Pilipino ay mahihirapan itong intindihin kung kaya't hindi nila tayo matutulungan. Ngunit dahil nga sa wikang Filipino ang ating ginamit, bawat Pilipino ay naiintindihan ito kung kayat tayo ay nagkakaisa tungo sa karangalan ng ating bansa. 
            Iyan ang wikang Filipino.  Masasabing wika ng pagkakaisakung kayat,  ikaw, aking kababayan, huwag mo itong ikahiya. Sabi nga ni Gat Jose Rizal; "Ang hindi maruning magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda."


No comments:

Post a Comment